Mga ekwasyon ni Maxwell


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mga ekwasyon ni Maxwell
Ang mga ekwasyon ni Maxwell ay isang hanay ng mga ekwasyong parsiyal diperensiyal na kasama ng batas na pwersang Lorentz ay bumubuo ng saligan para sa klasikong elektrodinamika, klasikong optika at mga sirkitong elektrikal. Ang mga larangang ito ang mga saligan naman ng mga modernong teknolohiyang elektrikal at pangkomunikasyon. Ang mga ekwasyon ni Maxell ay naglalarawan kung paanong ang mga electriko at magnetikong field ay nalilikha at nababago ng bawat isa at ng mga karga at mga kuryente. Ito ay ipinangalan sa pisikong si James Clerk Maxwell na naglimbag ng isang maagang anyo ng mga ekwasyong ito sa pagitan ng 1861 at 1862. Ang mga ekwasyong ito ay may dalawang anyo. Ang hanay na mikroskopiko na gumagamit ng buong karga at buong kuryente na kinabibilangan ng mga mga masalimuot na mga karga at mga kuryente sa mga materyal sa iskalang atomiko. Ito ay may paglalapat na pangkalahatan ngunit hindi posibleng makwenta. Ang hanay na makroskopiko ay naglalarawan ng mga dalawang bagong katulong na field na naglalarawan ng pag-aasal na pangmalakihang iskala nang hindi isinasaalang alang ang mga detalye ng iskalang atomiko ngunit nangangailangan ng paggamit ng mga parametro na naglalarawan ng mga katangiang elektromagnetiko ng mga may kaugnayang materyal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.