Ang mga
wikang Awstronesyo (
Wikang Espanyol:
len·guas aus·tro·ne·sias;
Ingles:
Austronesian languages) ay isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng
Timog-Silangang Asya at ng
Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng
Asya. Katulad siya ng mga mag-anak na wikang
Indo-Europeo, Apro-Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika. Ang pangalang
Awstronesyo ay nagmula sa
Latin auster (hangin mula sa timog), at ng
Griyego nêsos (pulo). Ang naturang pamilya ay pinangalanan bilang sa pangmadlang ng mga wikang Awstronesyo na ginagamit sa mga kapuluan: ngunit may mga wika tulad ng
Malay at mga Wikang Tsamiko, na katutubo sa mismong kontinente ng Asya. Karamihan sa mga wikang Awstronesyo ay kaunting katutubong tagapagsalita, ngunit ang mga pangunahing wikang Awstronesyo ay ginagamit ng milyun-milyong katao. Si Otto Dempwolff, isang Alemang iskolar, ay ang unang tagapagsaliksik na malayong nassaliksik ang Awstronesyo ayon sa tradisyonal na paraang paghahambing.