Ang
Microsoft Corporation ay ang pinakamalaking kumpanyang pang-
software sa daigdig, na may higit sa 50,000 mga
manggagawa sa iba't ibang bansa noong Mayo
2004. Itinatag ni
Bill Gates at
Paul Allen noong
1975, at nasa Redmond,
Washington,
Estados Unidos ang kanilang punong tanggapan. Lumilikha, naglilisensya, at sumusuporta ang Microsoft ng malawak na sakop ng mga produktong pang-software para sa iba't ibang kagamitang pang-
kompyuter. Ang
Microsoft Windows operating system at
Microsoft Office ang mga pamilya nga mga produkto na kilala ng karamihan, na halos makikita sa lahat ng mga pamilihan ng mga pang-mesang kompyuter. Kumakailan si
Bill Gates ay nagbitiw sa kanyang puwesto sa pamahalaan ng
Microsoft.