Ang
Mindoro ay ang ikapitong pinakamalaking pulo sa
Pilipinas. Matatagpuan sa timog-kanlurang
Luzon at hilaga-silangan ng
Palawan. Noong mga nakaraang panahon, tinatawag itong
Ma-I o
Mait ng mga lumang mangangalakal na
Intsik at, ng mga
Español bilang
Mina de Oro (nangangahulugang "minahang ginto") na kung saan nagmula ang kasalukuyang pangalan. Nahati ang kasalukuyang pulo sa dalawang
lalawigan, ang
Occidental Mindoro at
Oriental Mindoro, noong
1950. Bago pa nang panahong iyon, simula noong
1921, isang lalawigan lamang ang pulo.