Ang
Mioseno (Ingles:
Miocene at may simbolong M
I) ay isang epoch na heolohiko ng Panahong
Neohene at sumasaklaw mula mga (Ma). Ang Mioseno ay ipinangalan ni
Sir Charles Lyell. Ang panglan nito ay mula sa Griyegong (, “kaunti”) at (, “bago”) at nangangahulugang kaunting kamakailan dahil ang panahong ito ay may 18% na mas kaunting mga modernong pan-dagat na inbertebrato kesa sa
Plioseno. Ang Mioseno ay sinusundan ng epoch na
Oligoseno at sinusundan ng epoch na
Plioseno. Ang Mioseno ang unang epoch ng Panahong
Neohene. Ang daigdig ay tumungo sa epoch na
Oligoseno hanggang Mioseno at tungo sa
Plioseno habang ito ay lumalamig sa isang sunod sunod na mga Panahon ng Yelo. Ang mga hangganang Mioseno ay hindi minarkahan ng isang natatanging pangyayaring pandaigdigan kundi binubuo ng mga hangganang pang-rehiyon sa pagitan ng katamtamang init na
Oligoseno at mas malamig na
Plioseno. Ang mga halaman at mga hayop sa Mioseno ay katamtamang moderno. Ang mga
mamalya at
ibon ay mahusay na nakalagak. Ang mga
balyena,
seal at kelp ay kumalat. Ang epoch na Mioseno ay partikular na interesante sa mga heologo at paleoklimatologo dahil ang mga pangunahing yugto ng Pagtaas na Himalayan ay nangyari sa Mioseno na umapekto sa pang habagat ng mga paterno sa Asya na nauugnay sa Hilagaang pagyeyelo ng Hemispero.