Ang
mitolohiyang Griyego ang katawan ng mga
mito at katuruan ng mga
Sinaunang Griyego na nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga
Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong
Gresya at sa buong mundo na kilala bilang Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at politikal ng
Sinaunang Gresya at ng kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng mismong paggawa ng
mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang Gresya sa isang
tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling sanggunian ng mga
mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-
panitikan ng mga tradisyong pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga
artipakto, ilang mga gawang
sining, lalo na iyong mga
pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.