Si
Mohandas Karamchand Gandhi (Gujarati: મોહનદાસ કરમચંદ ગાંધી)
Oktubre 2,
1869 –
Enero 30,
1948) ay isang pangunahing
politikal at espirituwal na pinuno sa
Indya, at ng kilusang pagpapalaya sa Indya. Siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng
Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa (ang kabuang kawalan ng karahasan), na nagdulot sa pagiging malaya ng Indya, at nagbigay-diwa sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo. Kadalasang kilala si Gandhi at ginagalang sa Indya at sa buong mundo bilang
Mahatma Gandhi (mula sa
Sanskrit,
Mahatma, Dakilang Nilalang) at bilang
Bapu (sa maraming mga wikang Indyan Indian languages,
Ama). Siya ay opisal na pinarangalan sa India bilang ang Ama ng Bansa; ang kanyang kapanakan ay Oktubre 2, ay itinalaga bilang
Gandhi Jayanti, isang pambansang araw, at Ang araw ng kawalan ng karahasan sa buong mundo.