Moisés


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Moises
Si Moises (Ebreo: משה, Moshe; Ingles: Moses) ay isang mahalagang propeta sa Hudaismo, at pati na rin sa Kristiyanismo at Islam. Sa Tora ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya, siya ang dakilang pinuno ng mga Hudyo sa paglikas nila mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Siya ang nagdala ng batas ng Diyos sa mga tao ng Israel. Sa kalaunan, dinala ni Moises ang mga Israelita sa ilang o disyerto, patungo sa Canaan (o Palestina noong mga 1200 BK. Isa siyang inapo ni Levi. Namatay si Moses bago pa man narating o napasok ng mga Israelita ang Lupang Ipinangako sa kanila ng Diyos. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, nilarawan si Moises bilang isang matapat na pinuno na tumurong pausad patungo sa kapanahunan ni Kristong Hesus. Dating isang pangalang Ehipsyo ang Moises.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.