Si
Moises (
Ebreo: משה,
Moshe; Ingles:
Moses) ay isang mahalagang propeta sa
Hudaismo, at pati na rin sa
Kristiyanismo at
Islam. Sa
Tora ng
Tanakh at sa
Lumang Tipan ng
Bibliya, siya ang dakilang pinuno ng
mga Hudyo sa paglikas nila mula sa pagkaalipin sa
Ehipto. Siya ang nagdala ng batas ng Diyos sa mga tao ng Israel. Sa kalaunan, dinala ni Moises ang mga Israelita sa ilang o disyerto, patungo sa
Canaan (o
Palestina noong mga 1200 BK. Isa siyang
inapo ni Levi. Namatay si Moses bago pa man narating o napasok ng mga Israelita ang Lupang Ipinangako sa kanila ng Diyos. Sa
Bagong Tipan ng Bibliya, nilarawan si Moises bilang isang matapat na pinuno na tumurong pausad patungo sa kapanahunan ni
Kristong Hesus. Dating isang pangalang Ehipsyo ang
Moises.