Ang
monarkiya ay isang anyo ng
pamahalaan na ang kataas-taasang kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal, ang pinuno ng
estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng estado." Tinatawag na
monarko ang namumuno sa monarkiya. Ito ang karaniwang anyo ng pamahalaan sa mundo noong luma at
gitnang panahon.