Ang
Patakarang pang-salapi (Ingles:
Monetary policy) ay isang proseso kung saan ang autoridad na pang-salapi ng isang bansa ay kumokontrol sa suplay ng pera na kadalasang umaasinta o pumupuntirya sa isang
rate ng interes para sa layuning pagtataguyod ng paglagong
ekonomiko at pagiging matatag. Ang opisyal na mga layundin ay karaniwang kinabibilangan ng relatibong matatag na mga presyo at mababang
kawalang trabaho. Ang teoriyang pang-salapi ay nagbibigay ng kabatiran kung paano lumikha ng optimal na patakarang pang-salapi. Ito ay tinutukoy na isang kontraksiyonaryo kung saan ang patakarang ekspansiyonaryo(nagpapalawig) ay nagpapataas ng kabuuang suplay ng salapi sa
ekonomiya ng mas mabilis kesa sa karaniwan at ang patakarang kontraksiyonaryo(nagpapaliit) ay nagpapalawig ng suplay ng salapi ng mas mabagal kesa sa karaniwan o kahit pinapaliit ito. Ang patakarang ekspansionaryo ay karaniwang ginagamit upang labanan ang
kawalang trabaho sa isang ressyon sa pamamagitan ng pagbababa ng
rate ng interes sa pag-aasang ang madaling kredito ay hihikayat sa mga
negosyo na lumawig. Ang patakarang kontraksiyonaryo ay nilalayon na pabagalin ang
inplasyon sa pag-aasang maiiwasan ang nagreresultang mga distorsiyon at paglala ng mga halaga ng
asset.