- Para sa rehiyon na may katulad na pangalan, tingnan ang Monggolya (rehiyon)
Ang
Monggolya /mong·gol·ya/ (Monggolyano: Монгол Улс) ay isang bansa sa
Silangan at
Gitnang Asya na lubos na napapalibutan ng kalupaan. Nasa hilaga ng hangganang nito ang
Russia at sa timog ang
China. Kahit hindi nito kahangganan ang
Kazakhstan, ang pinakakanlurang dulo nito ay 38 kilometro lang ang layo sa pinakasilangang dulo ng Kazakhstan.
Ulan Bator ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Monggolya, kung saan 45 porsiyento ng populasyon ng bansa ay dito nakatira. Ang pamahalaan ng Monggolya ay isang
republikang parliyamentaryo.