Ang
moralidad,
kalinisan ng ugali,
kalinisang-asal, o
kasanlingan ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama at mali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal, lalo na kapag inuugnay sa delikadesa at tamang pag-iisip hinggil sa
pagtatalik. Bilang aral, ito ang leksyon o turo sa tama, wasto, o angkop na kaasalan o pag-uugali, o nauukol sa mabuti at matuwid na kaugalian o asal, katulad ng nilalaman ng sa isang
kuwentong may aral. Kinasasangkutan ito ng mga prinsipyo ng akma o nararapat na kilos o pakikitungo sa kapwa tao. Kabaligtaran nito ang
imoralidad.