Ang
morpolohiya ay ang sangay ng
linggwistika na nag-aaral ng morpema (
morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at
stress o diin.