Ang
puting moras o
puting amoras (
Ingles:
white mulberry; sa agham:
morus alba) ay isang punong may maikling buhay, mabilis lumaki, may maliit hanggang hindi kalakihang sukat na tumataas hanggang 10 hanggang 20 metro. Katutubo ito sa kanlurang
Tsina, at malawakan ding inaalagaan sa ibang pook. Kilala din ito bilang
tuta sa
Sanskrit at
tuti sa Marathi.