Ang
pulang moras,
pulang amoras, o
Morus rubra (
Ingles:
red mulberry) ay isang uri ng
moras na katutubo sa
Hilagang Amerika, partikular na sa hilagang
Estados Unidos at
Kanada. Sa Estados Unidos, makikita ito sa katimugang
Florida hanggang hilaga patimog-silangan ng
Timog Dakota at gitnang
Texas. Sa Kanada, matatagpuan ito mula sa pinakatimog ng
Ontario at timog ng
Vermont. Bagaman pangkaraniwan ang pulang moras sa Estados Unidos, nakatala ito bilang nanganganib na uri sa Kanada.