Si
Muhammad (
Wikang Arabo:
محمد) na tinatawag din bilang
Mahoma,
Mohammed,
Muhammed,
Mahomet, at iba pa) (ipinanganak noong 570 AD sa
Mecca at namatay noong
Hunyo 8,
632 AD sa
Medina) at may buong pangalan na
Muhammad Ibn `Abd Allāh Ibn `Abd al-Muttalib (
Wikang Arabo:
محمد بن عبدالله بن عبد المطلب) ang nagtatag ng
Islam at tinuturing ng mga
Muslim bilang isang sugo(messenger) at propeta ng
Diyos (Arabo: الله
Allah) at ang huling tagapagdala ng batas sa magkakasunod na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim na tagapagpanumbalik ng hindi nalikong(uncorrupted) orihinal na
monteistikong pananampalataya (islām) ni
Adan,
Noe,
Abraham,
Moises,
Hesus at iba pang mga propeta.