Ang
musikang pop (bigkas: /pap/) (pinaikling salita mula sa salitang "popular") ay isang uri ng
musika na nasimula noong kalagitnaan ng dekada 1950 bilang isang malambot na alternatibo sa rock 'n' roll at
musikang rock sa kalaunan. Nakatuon ito sa komersyal na pagrekord, kadalasang nakikibagay patungo sa kabataang merkado, kadalasang sa pamamagitan ng maikli at payak na
awiting para sa
pag-ibig. Habang nanatiling hindi nagbabago ang pangunahing mga elemento ng uri ito, kinuha ang mga impluwensiya ng musikang pop mula sa karamihan ng ibang anyo ng popular na musika, partikular ang pahiram ng pagsulong ng musikang rock, at ginagamit ang mamahalagang pang-
teknolohiyang pagbabago upang makalikha ng bagong mga baryasyon sa mga mayroon ng mga tema.