Ang
Organisasyon ng Tradato ng Hilagang Atlantiko, kilala sa Ingles bilang
North Atlantic Treaty Organisation (
NATO, binibigkas sa Ingles bilang /ney-tow/)), at kilala rin bilang
Alyansang Atlantiko (o
Atlantic Alliance sa Ingles), o
Alyansang Kanluranin (
Western Alliance sa Ingles), ay isang organisasyong internasyunal o samahang pandaigdigan (kapisanang pandaigdigan) para sa
kapayapaan at
pagtatanggol na nalunsad noong 1949, mula sa Tratado ng Hilagang Atlantiko (
North Atlantic Treaty) na nilagdaan sa
Washington, D.C.,
Estados Unidos noong
Abril 4,
1949. Nasa
Bruselas,
Belhika ang punong-tanggapan nito. Isa pang pangalang opisyal nito ay ang kaparehong pangalan nitong nasa
Pranses, ang
Organisation du Traité de l'Atlantique Nord (
OTAN).