Ang Bagong Hukbong Bayan (Wikang Ingles: New People's Army) o NPA, ay isang grupo ng sibilyang hukbo na lumalaban para sa rebolusyong komunista ng Pilipinas. Ito ay itinatag noong Marso 29, 1969. Ang NPA ay lumalaban ng isang "digmang bayan" bilang isang militar na braso ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP).