Ang
Olanda o kung minsan ay kilala bilang mga
Mabababang Lupain ay isang bansa sa hilagang
Europa. Ang Olanda ay isang demokrasyang parliamentaryo sa ilalim ng isang monarkang konstitusyonal na matatagpuan sa hilagang-kanlurang Europa. Napapaligiran ito ng
Dagat Hilaga (
North Sea) sa hilaga at kanluran,
Belgium sa timog, at
Alemanya sa silangan.