Nefertiti


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Nefertiti
Si Nefertiti (binibigkas noong panahong iyon na parang nafratiːta ) (c. 1370 BK - c. 1330 BK) ay ang Dakilang Maharlikang Asawa (punong konsorte) ng Paraong Akhenaten ng Ehipto. Kilala si Nefertiti at ang kanyang asawa sa pagpapalit ng relihiyon sa Ehipto mula sa politeismo patungo sa monoteismo. Naniniwala sila sa iisang diyos, si Aten. Si Nefertiti ay may maraming mga pamagat kabilang ang Nagmamanang Prinsesa(iryt-p`t); Dakila sa mga Papuri(wrt-hzwt); Babae ng Biyaya(nbt-im3t), Tamis ng Pag-ibig (bnrt-mrwt); Babae ng Dalawang mga Lupain (nbt-t3wy); Pangunahing Asawa ng Hari, ang kanyang minamahal (hmt-niswt-‘3t meryt.f); Dakilang Asawa ng Hari, kanyang minamahal (hmt-niswt-wrt meryt.f), Babae ng Lahat ng mga Babae (hnwt-hmwt-nbwt); at Babae ng Itaas at Ibabang Ehipto (hnwt-Shm’w-mhw).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.