Sa mitolohiyang Griyego, si
Nemesis (Griyego: Νέμεσις) ay isang diyosa ng makatarungang paghihiganti na tumutugis sa mga taong nagkasala o mga gumawa ng hindi mabuting gawain. Siya rin ang diyosa ng
retribusyon o pagpaparusa, na nagdadala ng pagganti sa mga may napakaraming kayamanan o may sukdulang pagmamalaki ng sarili. Hinihingi ng sinaunang mga Romano ang kanyang tulong para sa digmaan upang ipakitang nakikipaglaban sila para sa makatarungang kadahilanan o layunin. Sa sinaunang wikang Griyego, tinatawag din siyang
Rhamnousia,
Rhamnusia, o
Ramnusia ("ang diyosa ng Rhamnous" o "ang diyosa ng Ramnonte") sa kanyang santuwaryo sa Rhamnous na nasa hilaga ng Marathon,
Gresya. Halimbawa ng kanyang kapangyarihan ang pagdurulot kay
Narciso na umibig o ibigin ang sariling wangis o anyong makikita sa
lawa-lawaan.