Netherlands Antilles


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Antilyang Olandes
Ang Antilyas Nerlandesa, na tinatawag ding Antilyang Olandes, Antilyas Olandesa, Kanlurang mga Indyang Olandes, o Olandes na Kanlurang mga Indya (Kastila Las Antillas Neerlandesas, Antillas Holandesas, o Indias Occidentales Holandesas; Ingles: Netherlands Antilles, Netherlands West Indies, Dutch Antilles, o Dutch West Indies) ay isang pangkat ng mga pulong binubuo ng mga Pulong Leeward ng Kurasaw sa Aruba at Bonaire sa may dalampasigan ng Beneswela, at ng mga Pulong Windward ng San Eustatius, Saba, at bahagi rin ng San Martin sa silangan ng Portoriko. Pinamamahalaan mula sa Kurasaw, nasakop ng mga Olandes ang kapuluan noong 1634. Naging nagsasarili at bahagi ng Kaharian ng Nederlands ang mga pulo noong 1954. Nagkaroon ito ng panloob ng sariling pamahalaansa pamamagitan ng gubernador at nahalal na lehislatura. Hinahango ang kinikitang salapi nito mula sa mga pabrika o repinarya ng mga langis at industriyang pangturismo. Kabilang sa mga wikang ginagamit sa Antilyas ng Nederlands o Nederlands Antiles ang OlandesKastilaIngles, at ang magkakahalong katutubong wikang Papyamento.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.