Ang
Bagong Caledonia (Ingles:
New Caledonia,
Pranses:
Nouvelle-Calédonie; mga karaniwang katawagan:
Kanaky,
Le caillou) ay isang "
sui generis na kolektibidad (kapanlahatan)", na sa pagsasagawa ay isang teritoryo sa ibayong dagat ng
Pransiya na binubuo ng isang pangunahing
pulo o
Grande Terre at ng ilang mas maliliit na mga pulo. Ito ay nasa
rehiyon ng
Melanesia na nasa timog-kanluran ng
Karagatang Pasipiko. Bilang humigit-kumulang na kasukat ng
Taiwan, ang New Caledonia ay mayroong pook na lupain na kilometro kuwadrado (7,172
sq mi). Batay sa senso noong
2004, ang populasyon nito ay nasa 230,789 katao. Ito ay mayroong dominyong pangmataas na antas (
ccTLD) na kodigo ng bansa sa
Internet na
.nc. Ang kabisera, na pinakamalaking lungsod, ng teritoryo ay ang Nouméa. Ang umiiral na salapi ay ang franc na CFP. Ang antas ng
inplasyon (pagpapalabas ng labis na salapi) ay nasa -0.6%. Ang antas na
kawalan ng trabaho (hindi nakapaghahanapbuhay dahil walang mapasukang trabaho) ay nasa 17.1%.