Ang
New Zealand o
Bagong Selanda (
Kastila:
Nueva Zelanda na nagmula sa salitang
Olandes na
Nova Zeelandia) o
Aotearoa Maori para sa
Lupain ng Mahabang Puting Ulap), ay isang bansa ng dalawang malalaking pulo na Hilagang Pulo (
Ingles: North Island) at Timog Pulo (
Ingles: South Island) at maraming mas maliliit na mga pulo sa timog-kanlurang
Karagatang Pasipiko. Sa mga bansa sa Timog Pasipiko, ang Bagong Selanda ang may pinakamalaki at pinaka-industrialisadong ekonomiya at pumapangalawa lamang ang populasyon nito sa
Papua New Guinea. Natatangi ang Bagong Selanda sa kanyang pagkabukod, nakahiwalay sa
Australya sa hilaga-kanluran sa pamamagitan ng Dagat Tasman, mga 2,000 km ang pagitan. Ang
New Caledonia,
Fiji at
Tonga ang malalapit na mga kapitbahay. Binubuo ng karamihan sa
populasyon sa Bagong Selanda ng mga taong nagmula sa Europa, kasama ang katutubong Maori na kabilang sa pinakamalaking minorya. Ang mga taong hindi Maori na Polinesyo at
Asyano ang mga mahahalagang minorya, lalo na sa mga lungsod.