Si
Noe (Ingles:
Noah) ay isang taong matuwid at makatuwiran na matatagpuan sa
Aklat ng Henesis ng
Lumang Tipan ng
Bibliya. Sumunod siya sa Diyos noong sabihin sa kanya nitong gumawa ng isang malaking bangka, isang
bangka o
daong (kaiba sa
arko na nangangahulugang
kurba) dahil magaganap ang
isang pagbaha. Ayon sa Bibliya, animnaraan at isang taon ang haba ng buhay na itinagal ni Noe sa mundo; ito ang batayan na tumagal ng isang taon ayon sa kasalukuyang pagbilang ang bahang naganap sa kapanahunan ni Noe.