Ang
Noli Me Tángere ay isang
nobelang isinulat ni
Jose Rizal, at inilathala noong
1887, sa
Europa. Hango sa
Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may
ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na
Noli; at ang salin sa
Ingles nito ay
Social Cancer. Sinundan ito ng
El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.