Ang
Odisea o
Ang Odisea (Griyego:
Ὀδύσσεια,
Odússeia o
Odísia;
Ingles:
Odyssey) ay isa sa dalawang pangunahing sinaunang
tulang epika ng
kabihasnang Heleniko (
sinaunang Gresya) na pinaniniwalaang inakdaan ni
Homer (o
Homero). Tinatayang isinulat ang tulang ito noong malapit na ang pagwawakas ng ika-8 daantaon bago dumating si
Kristo, sa may Ionia, malapit sa tabing-dagat ng kanlurang
Turkiya na nasasakupan ng mga Griyego. May bahagyang pagganap ang tula bilang isang karugtong ng
Iliad ni Homer, at pangunahing nakatuon sa bayaning Griyegong si Odiseo (Odisio at Odysseus din; o sa anyong Romanong Ulysses) at sa kaniyang mahabang paglalakbay pauwi sa Ithaca makaraan ang pagbagsak ng
Troy. Hinango ang pangalan ng epikang ito mula sa bayani nitong si Odiseo.