Oligocene


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Oligoseno
Ang Oligoseno (Ingles: Oligocene at may simbolong OG) ay isang epoch na heolohika ng panahong Paleohene at sumasaklaw mula mga 34 milyon hanggang 23 milyon bago ang kasalukuyan ( hanggang ). Gaya ng ibang mas matandang mga panahong heolohiko, ang mga strata o kama ng bato na naglalarawan ng panahong ito ay mahusay na natukoy ngunit ang mga ekasktong petsa ng simula at waka ng panahong ay katamtamang hindi matiyak. Ang pangalang Oligocene ay mula sa Griyegon (oligos, ilan) at (kainos, bago) at tumutukoy sa pagiging kalat ng mga karagdagang modernong mga espesye ng mamalya ng fauna pagkatapos ng ebolusyon sa panahong Eoseno. Ang Oligoseno ay sumusunod sa epoch na Eoseno at sinundan ng epoch na Mioseno. Ang Oligoseno ang ikatlo at huling epoch ng Panahong Paleohene. Ang Oligoseno ay kadalasang itinuturing na isang mahalagang panahon ng transiyon na isang ugnayan sa pagitan ng sinaunang daigdig ng tropikong Eoseno at ang mas modernong mga ekosistema ng Mioseno. Ang mga pangunahing pagbabago sa Oligoseno ay kinabibilangan ng isang pandaigdigang paglawak ng mga lupaing damo at isang pag-urong ng tropikong maluwag na dahong mga kagubatan tungo sa sinturong pang ekwador. Ang simula ng Oligoseno ay minamarkahan ng isang kilalang pangyayaring ekstinksiyon na pagpapalit ng faunang Europeo ng faunang Asyano maliban sa endemikong mga pamilyang [roden] at marsupyal na tinatawag na Grande Coupure. Ang hangganang Oligoseno-Mioseno ay hindi nakatakda sa isang madaling matukoy na pandaigdigang pangyayari ngunit sa mga hangganang pang-rehiyon sa pagitan ng katamtamang init na Huling Oligoseno at ang relatibong mas malamig na Mioseno.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.