Ang
orbit (Espanyol:
orbita) o
ligiran (mula sa Tagalog:
ligid +
-an) ang landas na tinatahak ng isang bagay sa kalawakan kapag lumiligid ito sa isang bituin(gaya ng mga planeta sa araw), isang planeta(gaya ng isa o maraming buwan sa isang planeta) o sa sentro ng
galaksiya (gaya ng
sistemang solar sa sentro ng galaksiyang
Daang Magatas). Nilalarawan dito ito bilang isang nakakurbadang landas ng isang bagay sa paligid ng isang punto o tuldok sa kalawakan, katulad ng isang orbitong may
grabitasyon ng isang planeta sa paligid ng isang punto sa kalawakan na malapit sa isang bituin. Nakakurba ang landas dahil sa
grabitasyon.