Ang
Ordeng Olimpiko ay ang pinakamataas na gawad ng Kilusang Olimpiko, na nilikha ng
Pandaigdigang Lupong Olimpiko noong Mayo 1975 bilang kapalit sa
Olimpikong Katibayan na dating iginagawad. Ang Ordeng Olimpiko ay likas na may tatlong antas (ginto, pilak at tanso), bagama't ang tansong antas ay hindi na iginagawad pagkatapos ng taong 1984. Ang Ordeng Olimpiko ay iginagawad sa mga indibiduwal ukol sa kinikilalang ambag sa Kilusang Olimpiko. Sa kaugalian, ang (mga) puno ng pagsasaayos ng tanging
Palarong Olimpiko ay iginagawad ng orden sa antas-ginto sa seremonya ng pagtatapos ng Palaro.