Ang Oriental Mindoro (Filipino: Silangang Mindoro; Kastila: Mindoro Oriental) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyongMIMAROPA sa Luzon. Ang Lungsod ng Calapan ang kabisera nito at sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Mindoro; Occidental Mindoro ang nasa kanlurang kalahati. Sa silangan ng lalawigan naroon ang Dagat Sibuyan at Romblon. Sa hilaga ang Batangas sa ibayo ng Daanan ng Pulo ng Verde. Ang mga Pulo ng Semirara ng Antique ang nasa timog nito.