Ang
Pagbagsak ng Tao o
Pagkahulog ng Tao (tinatawag ding
Ang Kuwento ng Pagbagsak o
Ang Pagkahulog ng Tao sa
kasalanan) ay ang kuwento na nasa aklat ng
Henesis na nasa
Torah (
Lumang Tipan ng
Bibliya) hinggil sa noong sina
Adan at Eba, sa mga mata ng
Diyos, ay nawalan ng kawalan ng malay (kamusmusan). Ayon sa Henesis, kumain sina
Adan at
Eba ng bunga magmula sa Puno ng Kaalaman kahit pagkaraang pagsabihan sila ng Diyos na hindi ito ipinapahintulot. Nawala ang kanilang kawalang kamalayan (kawalan ng kasalanan) at pinalayas mula sa
Halamanan ng Eden na kinaroroonan ng Puno ng Kaalaman. Sa relihiyon ng
Kristiyanismo, lahat ng tawa ay nawalang ng inosensiya dahil nilabag nina Adan at Eba ang kagustuhan ng Diyos at kinailangan maparusahan, kung kaya't nakikilala na sa ngayon ng mga tao ang mabuti magmula sa masama, pati na ang buhay at ang kamatayan.