Pagkakapareho ng masa-lakas


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pagkakatumbas na masa-enerhiya
Sa pisika, ang Pagkakatumbas na masa-enerhiya(Mass–energy equivalence) ang konsepto na ang masa(mass) ng isang katawan ay ang sukat ng nilalaman nitong enerhiya. Sa konseptong ito, ang kabuuang loob na enerhiyang E ng isang katawan na nagpapahinga ay katumbas ng produkto ng kabuuang masa na m na pinarami ng bilis ng liwanag(c) na pinadami sa sarili nito. Kung ang katawan ay hindi gumagalaw relatibo sa nagmamasid, ang pagpaliwanag ay dapat gawin para sa mga epektong relatibistiko kung saan ang m ay ang relatibistikong masa at ang E ang relatibistikong enerhiya ng katawan. Ang konseptong pagkakatumbas na masa-enerhiya ay iminungkahi ni Albert Einstein noong 1905 sa isa sa mga Annus Mirabilis na papel na pinamagatang "Does the inertia of a body depend upon its energy-content?"(Ang inersiya ba ng isang katawan ay nakadepende sa enerhiyang nilalaman nito?). Ang konseptong ito ay inilalarawan ng isa sa pinakilalang ekwasyon sa buong mundo:
kung saan ang E ang enerhiya, ang m ang masa at ang c ang bilis ng liwanag sa bakyum. Ang pormulang ito ay konsistento na dimensiyonal at hindi dumidipende sa anumang sistema ng natural na unit, ang bilis(skalar) ng liwanag ay itinakda na katumbas ng 1 at ang pormula ay naging identidad na E = m; kaya tinawag na pagkakatumbas na masa-enerhiya. Ang ekwasyong E = mc2 ay nagpapakita na ang enerhiya ay palaging nagpapakita ng relatibistikong masa sa anumang anyo na kunin ng enerhiya.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.