Ang
pagong o
pag-ong (Ingles:
turtle) ay mga
reptilya ng
ordeng Testudines (ang koronang pangkat ng super-ordeng
Chelonia), na kinatatangian ng isang natatangi o espesyal na mabuto o kartilahinosong kabibe na umunlad mula sa kanilang mga
tadyang na gumaganap bilang isang
kalasag o panangga. Ang salitang "pagong" ay maaaring tumukoy sa Testudines bilang kabuuan, o sa partikular na Testudines na bumubuo sa isang takson ng porma na hindi monopiletiko.