Ang
pagpapahid ng langis ay ang paglalagay ng
langis ng oliba sa ulo ng isang tao, may sakit man o wala. Sa mga
Ebreo, ang pagpapahid ng langis ay naging mahalaga sa pagtatalaga sa kabanalan: kaya ito ginamit sa pagtatalaga ng pinakapunong pari at ng mga banal na lalagyan. Sa katagalan, ang mga
hari at
propeta ay binigyan na rin ng karapatang makibahagi sa sakramentong ito. Mismong ibig sabihin sa literal ng titulong
mesiyas ay "pinagpahiran ng langis." Sinasagisag ng gawaing ito ang "pagtulong ng
espiritu ng
Diyos upang makapagsagawa ang taong iyon ng isang natatanging tungkulin." Ayon kay
Jose C. Abriol, isang larawan ang pagpapahid ng langis ng paghahanda para sa sakramento ng pagpapahid ng
santo oleo o banal na langis sa may sakit, na tinatawag ding , isang salitang nagbuhat sa
wikang Kastila; nagbuhat din sa Kastila ang pariralang "
santo oleo".