Ang
barter ay ang
palitan ng paninda na hindi ginagamit ng
pera o salapi. Karaniwang ang bagay na kinakalakal o pinagpapalitan ay kasinghalaga ng halaga sa salapi, subalit walang ginagamit o walang pagpapalitan o suklian ng perang nagaganap, mga bagay lamang. Samakatuwid, palitan lamang ito ng kalakal o palitan ng paninda. Tinatawag din itong
kambyo,
kamkalatse, at
tuwayan. Halimbawa nito ang kalakalang nagaganap sa pagitan ng mga Muslim sa Zamboanga, Tawi-Tawi, at Jolo sa
Pilipinas.