Ang
batas ng pagpapanatili ng bigat o
batas ng konserbasyon ng masa (
conservation of mass) ay ang pinakapundamental na konsepto sa
kimika. Sinasaad rito na walang mapapansing pagbabago sa kabuuang
bigat sa mga karaniwang kimikang pagsasanib. Sa makabagong
pisika, iyong makikita na ang enerhiya ang talagang pinananatili (at hindi ang bigat) at ang enerhiya at bigat ay napagpapalit-palit. Ang konseptong ito ay mahalaga sa kimikang nukleyar. Ang pagpapanatili ng
enerhiya naman ay nagdudulot sa mga mahahalagang konsepto tulad ng ekilibriyo,
termodaynamiks at kinetiks.