Ang
pagsamba ay ang pagbigay ng pagkilala sa kahalagahan, kapakinabangan, katuturan, kabuluhan, at pagiging kagalang-kagalang o karapat-dapat ng isang tao o bagay. Ito rin ang pagbibigay ng papuri at paglilingkod sa isang tao o nilalang na itinuturing na may halaga. Sa Bibliya, itinuturo na ang Diyos lamang ang karapat-dapat na sambahin o tumanggap ng pagsamba ng tao. Nagiging isang
kasalanan ang pagsamba kung ang sinasamba at pinaglilingkuran ay isang bagay lamang, sa halip na ang tunay na Diyos.