Ang
yoga ay isang paniniwala at gawain ng pagdidisiplina sa katawan at isipan. Isa itong matanda o isinaunang disiplinang nagmula pa sa
Indya na gumagamit ng mga teknik o pamamaraan sa paghinga,
ehersisyo, at meditasyon, at pinaniniwalaang nakapagpapainam ng kalusugan at nakapagbibigay ng
kasiyahan. Isang salitang
Sanskrito ang
yoga na may ibig sabihing unyon o pag-iisa. Si Patanjali ang tagapanimula ng klasikong yoga, na nagbigay kahulugan sa yoga bilang ang pagtatanggal, pagtatapos, o paghinto ng pagbabago sa isipan o kaisipan.