Ang tarok ng isip, paki-ramdam, o pakiramdam (Ingles: insight, intuition, introspection) ay ang intuwisyon, lalim ng pagwawari, nakapaglilinaw na tanaw, o panloob na damdamin ay ang kakayahang makita o matingnan ang tunay na situwasyon o kalagayan. Tinatawag din itong kutob, andam, dama, kaba, o sapantaha, dahil ang isang may katarukan ng pag-iisipan ng kakayahang makaalam sa pamamagitan ng kutob. Mayroon ang taong ito ng galing sa panghuhula ng mangyayari, o katalasan ng pananaw sa magaganap.