Ang Palawan ay isang pulonglalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Timog Katagalugan. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ang kapital nito at ang pinakamalaking lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.