Ang
pamumula ng mukha ay ang kalagayan ng
pamumula, maaari ring may pamumutla, na matatanaw at mapapansin sa
mukha ng
tao na dulot ng pagkapahiya, kagitlaanan, pagkabigla, kawalan ng
kayabangan, o maging ng dahil sa
pag-ibig. Isa itong
pisyolohikong katangian ng katawan ng tao na maaaring maging sanhi ng pagkakanulo o pagkalantad ng damdamin ng isang tao hinggil sa ibang tao, sa isang paksa, o sa anumang bagay. May pamumula rin ng mukha na dahil sa
pagkagalit o kaya dahil sa pag-inom ng
alak o anumang nakalalasing na inumin o gamot. Mayroon ding
pamumula ng mga pisngi. Kaiba ang pamumula ng mukha sa pamumula ng buong katawan ng tao.