Ang henus na
Pan, tinatawag rin sa Ingles na
chimpanzee ay kabilang sa mga
dakilang bakulaw. Namumuhay sila sa
Aprika. Ito ay kinabibilangan ng karaniwang chimpanzee at mga subespesye nito at ang
bonobo. Natutulog sila sa mga
puno, ngunit mas nagnanais na magpalipas ng oras sa ibabaw ng lupa. Kumakain sila ng mga bunga, mga kulisap, at mga karne.