Ang
Panahon ng Bato o
Stone Age [
Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga
tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang
lithic o litiko mula sa salitang
Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (
aborigene) ng
Australya at ang mga Taong-Palumpong (
Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng
Timog Aprika.