Ang
Pangaea,
Pangæa, o
Pangea ( ;) ay isang superkontinenteng umiral sa panahong Huling
Paleosoiko at Simulang
Mesosoiko na nabuo noong mga 300 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay nagsimulang mahati noong mga 200 milyong taon ang nakalilipas bago ang mga bahaging kontinente nito ay naghiwalay sa kasalukuyang mga konpigurasyong nito. Ang isang pandaigdigang karagatang pumalibot sa Pangaea ang
Panthalassa.