Ang
Pangangamao o
Pagkakamao (Ingles:
fisting,
handballing) ay isang
gawaing seksuwal na pantao na kinasasangkutan ng pagpapasok ng isang
kamay o pagpapaloob ng isang
kamao sa
puki o sa
tumbong. Kapag naipaloob na ang kamay sa puki o sa butas ng puwit, ang mga daliri ay likas na ititikom upang bumuo ng isang kamao o pananatilihing nakatuwid o nakabuka ang mga daliri. Sa mas puspusang anyo ng pagkakamao, katulad ng "pagsuntok", ang isang tikom na tikom na kamao ay maaaring ipasok at iurong na may kabagalan. Ang pangangamao ay maaaring isagawa na may katalik o kaya sa pamamagitan ng sarili lamang.