Ang
pangitain o
bisyon ay isang karanasang katulad ng isang
panaginip o
pangarap na ginagamit ng Diyos upang makapagdala ng isang mensahe patungo sa isang tao. Katumbas ito ng
panginorin,
panagimpan,
imahinasyon o
bungang-isip,
salamisim. Kaugnay rin ito ng pagtanaw, pagkakita, pagmamalas, o pagkakini-kinita ng isang taong may matalinong pag-iisip sa kung ang mangyayari sa hinaharap.