Pangkalahatang relatibidad


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Teoriya ng pangkalahatang relatibidad
Ang Teoriyang pangkalahatang relatibidad o pangkalahatang relatibidad (sa Ingles ay general theory of relativity o general relativity) ay ang heometrikong teoriya ng grabitasyon na inilathala ni Albert Einstein noong 1916. Ang teoriyang ito ay inilalarawan ng mga ekwasyong field ni Einstein. Ito ang teoriya na sa kasalukuyang panahon(2011) ay tinatanggap ng nakakarami sa pamayanang siyentipiko(scientific community) na tamang paliwanag ng grabidad dahil ang mga prediksiyon ng teoriyang ito ay nakumpirma ng lahat ng mga obserbasyon at eksperimento na ginawa ng mga siyentista o siyentipiko. Bukod dito, ang teoriyang ito ang basehan ng kasalukuyang kosmolohikal na model ng paglawig ng uniberso na mas kilala sa tawag na big bang. Isa rin sa prediksiyon ng teoriyang ito ang pag-iral ng mga itim na mga butas(black holes) o mga rehiyon sa espasyo-panahon na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.